bán•yo ma•rí•a : paraan ng pagluluto na ipinapatong ang lutuin sa trey na may tubig bago ipasok sa pugon
pá•lo ma•rí•a : malaki-laking punongkahoy (Calo-phyllum inophyllum), 20 m ang taas at 40 sm ang diyametro, eliptiko at makintab ang dahon, putî at maba-ngo ang bulaklak, at bilog ang bunga na 4 sm ang diyametro, katutubò sa Filipinas at karatig pook hanggang India
A•bá Gi•no•óng Ma•rí•a : sa simbahang Katolika, dasal batay sa batì ng arkanghel na si Gabriel kay Birheng Maria
doña maria clara (dón•ya mar•yá klá•ra) : isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Maria Clara’) na matingkad na rosas ang braktea
pá•lo ma•rí•a del món•te : punongkahoy na tuwid, salítan at balahibuhin ang dahong biluhabâ, at nagagamit na panghalo sa asupre ang dagta ng balát ng punò.