agap


a·gáp

pnr |[ War ]

á·gap

png
1:
pagkilos nang una sa inaasahang mangyari batay sa pagsusuri ng katulad na kalagayan sa nakaraang karanasan
2:
kakayahang kumilos nang mabilis bago mangyari ang inaasahan — pnr ma·á·gap. — pnd a· gá·pan, u·má·gap

a·ga·pál

png |[ Kal ]
:
uri ng panaginip na may mga pahiwatig ng mangyayari sa hinaharap.

a·ga·páy

pnd |mag-a·ga·páy, u·ma·ga·páy |[ ST ]
:
sumali ; makilahok.

a·gá·pay

pnb
1:
[ST] lumakad nang magkakapareha Cf ÁBAY
2:
Mat dalawang bagay na magkatabi ngunit hindi nagsasanib Cf PARALÉLO — pnr ka·a·gá·pay.

á·ga·pé

png |[ Gri ]
1:
pagmamahal ng Diyos o ni Cristo sa sangkatauhan
2:
makalangit na pagmamahal ng isang Kristiyano sa kaniyang kapuwa, na katulad ng pagmamahal ng Diyos sa tao
3:
hindi makasariling pagmamahal ng isang tao sa iba nang walang seksuwal na pagnanasà
4:
pigíng na pangkapatiran.

A·ga·pí·to Bá·gong·bá·yan

png |Kas Lit
:
sagisag-panulat ni Andres Bonifacio.