arabe
a·ra·bés·ko
png |[ Esp arabesco ]
1:
Say
sa ballet, posisyon o tindig na nakaunat ang isang paa, pahalang sa likod, nakadukwang ang katawan, at nakaunat ang dalawang kamay
2:
Sin
disenyong ornamental na gumagamit ng banghay ng mga baging, bulaklak, at bungangkahoy upang lumikha ng komplikadong padron ng mga linya
3:
Mus
maikling piyesa, karaniwang sa piyano.