balbal
bal·ba·lá·lung
png |Bot |[ Ilk ]
:
halámang dagat na kulay tsokalate at lumalago sa mga bangkota.
Bal·bá·lan
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Kalinga na nása hilaga ng Lawa ng Chico.
bal·ba·ló·lang
png |Bot
:
alga (Hydroclathrus clathratus ), na kumpol-kumpol, hugis globo na nag-iiba-iba kung lumalakí, kulay kalawang, at tumutubò sa mga korales sa ilalim ng dagat : BALBALÚLANG,
LÚKOTLÚKOT,
PÓKO-PÓKO var balbalúlang
bal·ba·lúng
png |Bot |[ Ilk Tag ]
:
alga (Hydreclathrus cancellatus ) na maaaring kainin ng tao.
bal·bá·lut
png |Bot
:
damong (Cynodon dactylon ) gumagapang at mapusyaw na lungti ang dahon : BERMÚDA,
GRÁMA,
KÁWAD-KAWÁRAN3,
KULÁTAY3,
GALÚD-GALÚD,
PAGUDPÓD,
WÁRIT