bali
ba·lí-
png |[ ST ]
:
kataga na nagpapahayag ng pagkakatulad, hal balihanda, balibagyo.
ba·lî
png
:
hindi gaanong malakíng matong at ginagawâng imbákan ng palay, mais, at iba pa.
bá·li
png |[ ST ]
:
sisidlang imbakan ng palay.
ba·li·ad-ád
pnr
:
biglang pagbaligtad sa batà, karaniwan kung nag-aalboroto.
ba·li·a·táng
png |Ana |[ War ]
:
hugpungan ng balakang at hità.
ba·lí·ba·bát
png
1:
sibat na ginagamit bílang armas
2:
Isp magaang sibat.
ba·lí·bad
pnd |[ Hil Seb ]
:
magpalusot o magdahilan.
ba·li·bág
png |[ Kap Seb Tag ]
:
hágis o paghagis.
ba·li·bá·go
png |Bot |[ Seb Tag ]
:
halámang (Hibiscus tiliaceus ) nabubúhay sa dalampasigan at agwahe.
bá·li·bá·li
png |Mtr
ba·lí·bang
png |[ ST ]
:
pagtatápon ng pamalò o patpat.
ba·lí·bar
png |[ ST ]
1:
panghihingi ng paumanhin sa pamamagitan ng paikot-ikot na kuwento
2:
pagkaligaw ng landas.
ba·li·bá·ran
png |Bot |[ War ]
:
uri ng gabe na matigas.
ba·li·bát
pnr
:
walang katuwiran.
ba·li·bát
png |Mit |[ ST ]
:
ahas na dalawa ang ulo.
ba·li·bít
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng tulya var balibír
ba·lí·bit
png |Zoo
:
lamandagat na kaangkan ng mga kabibe, tahong, at iba pa var balibír
ba·lí·bol
png |[ ST ]
1:
2:
natatanging kasangkapan na ginagamit ng mga magnanakaw
3:
isang uri ng sepilyo na ginagamit upang mara-hang masungkit ang loob ng tainga.
ba·lí·bot
png |[ ST ]
:
paulit-ulit na pagsisiyasat o paghahanap sa bagay-bagay sa proseso ng pananaliksik.
ba·líd·bid
png |Zoo |[ War ]
:
palikpík sa likod.
ba·lid·há·ron
pnr |Bat |[ Hil ]
:
pinahihintulutan ng batas.
bá·li·dó
pnr |[ Esp valido ]
1:
may batayan : VALID
2:
nagbubunga ng nilaláyong resulta : VALID
3:
may puwersa o bisà : VALID
4:
legal na tinatanggap : VALID
5:
hindi pa pasó o hindi pa umaabot sa petsa ng pagkawala ng bisà : VALID
6:
ba·lid·yâ
png |[ ST ]
1:
pagpasok sa isang kontrata hinggil sa malayòng lupain
2:
pagpalò ng isang tao gamit ang isang sandata dahil sa gálit
3:
pangangalakal ng huwad na bagay.
bá·lig
png |Bot |[ ST ]
:
mga dahon ng buyo mula sa kabundukan na mas mainam kaysa litlit.
ba·lí·ga
pnd |ba·li·gá·han, mag·ba· lí·ga |[ ST ]
1:
magkuwénto ; magtsísmis
2:
alamin ang búhay ng iba.
ba·li·ga·yà
png |[ Ilk Pan ]
:
laro ng kalalakíhan kapag may kasalan na pagandahan ng kilos at paramihan ng palakpak hábang nagbabayo ng palay.
ba·lig·hô
pnr
ba·lig·tád
pnr |[ Kap Tag ]
1:
2:
3:
iba pang katulad na magkapalit na ayos o katayuan — pnd ba·lig·ta·rín,
bu·ma·lig·tád,
i·ba·lig·tád.
bá·lig·tá·ran
pnr |[ baligtad+an ]
:
maaaring magkapalitan ng posisyon.
bá·lig·tá·rin
png |Bot |[ ST baligtad+ in ]
:
isang uri ng maliit na punongkahoy.
ba·lig·yâ
png |Kom |[ Hil Tag ]
1:
tao na pumupunta sa bahay-bahay para maglako ng paninda
ba·lí·ha
png |[ Esp valija ]
1:
maleta o pambiyaheng bag
2:
bag ng mga sulat o koreo.
ba·li·han·dà
png |[ ST ]
:
pag-aalagà, pag-aarugaâ.
ba·lík
png |pag·ba·ba·lík |[ Ilk Kap Mag Pan Tag ]
1:
pagtúngo sa pinanggalingan
2:
pag-uulit sa isang gawain, gaya ng balík-áral, balik-surì
3:
pagbibigay ng bagong búhay, lakas, pag-asa, at katulad, gaya sa pagbabalik ng malay o pagbabalik ng dáting anyo — pnd ba·li·kán,
bu·ma·lík,
mag·ba·lík.
ba·lí·ka·ká
pnd |[ Hil ]
:
ibuka ang mga paa ; ibuyangyang.
ba·lík-á·ral
png
ba·li·ka·ró
png
1:
Med
balát na magaspang at namumutî, sanhi ng gasgas o sakít sa balát
2:
ba·lí·ka·si·yáw
png |Zoo
ba·lí·kat
pnd |ba·lí·ka·tin, bu·má· li·kat, i·sa·ba·lí·kat
:
ubos-káyang tupdin ang tungkulin o gawain.
ba·lí·kat
png |[ Kap Tag ]
1:
2:
Zoo
sa hayop, itaas ng unaháng paa ng baboy, tupa, at iba pa
3:
habà ng lupa na malapit sa sementadong daánan ng sasakyan
4:
bahagi ng kasuotan na tumatakip sa balikat
5:
anumang bagay na kahawig ng hubog ng balikat, gaya sa balikat ng bote at bundok.
ba·li·ká·ta
png |Mus |[ Ted ]
:
awit sa pag-aayos ng hidwaan.
bá·li·ka·tán
pnd |i·bá·li·ka·tán, mag·bá·li·ka·tán
:
magtulungan sa gawain.
ba·li·ká·ut
pnr |[ ST ]
:
matigas ang ulo at walang sinusunod kundi ang sariling nais.
ba·li·káw
png
1:
2:
paikid na anyo, gaya ng ikid ng lubid.
ba·li·káw
pnr
:
may anyo ng sunod-sunod at tíla umiikot na kurba, gaya ng corkscrew at dulo ng balíbol : TUÍS Cf SPIRAL
ba·lik·bá·yan
png |[ balík+báyan ]
:
tao na umuwi o dumalaw sa pinagmulang bayan o bansa.
ba·li·kéng
png |[ Bon ]
:
bilóg na basket, parisukat ang puwit, may kahoy na salalayan, at ginagamit na sisidlan ng kamote, kanin, gulay, at katulad.
ba·lik·ha·ráp
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng damó.
ba·lik·hú·say
png |[ Seb ]
:
muling paglilitis.
ba·lik·lo·ób
png |[ ST ]
:
panunumbalik o pagbabago ng isip tungo sa mabuti o sa masama.
ba·li·ko·kò
png |[ ST ]
:
pag-awit na pinalalabas sa lalamunan.
ba·li·ko·kô
png |[ ST ]
:
pagbalukot sa pakò o tagâ.
ba·li·ko·kót
png |[ ST ]
:
pagpapasabi sa iba’t ibang tao.
ba·li·kóng·kong
png |Mus |[ ST ]
:
awit hábang namamangka.