bino
bi·no·bò
png |[ ST ]
:
hikaw na may palawit.
bi·no·bóng
png |Ana |[ ST ]
:
malakíng bituka o tiyan.
binocular (bay·nó·kyu·lár)
pnr |[ Ing ]
:
pandalawahang matá.
bi·nó·kan
pnd |bi·no·ká·nin, mag· bi·nó·kan |[ ST ]
:
dakpin o gapiin ang kalaban sa kaniyang bahay nang hindi gumagamit ng armas.
binomial (bay·nó·myal)
png |Mat |[ Ing ]
:
sa alhebra, ekspresyon ng kabuuan o ng difference ng dalawang term.
Bi·nón·do
png |[ binundok ]
:
distrito sa Maynila.
Bi·nó·ngan
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng Tinggian.