ni 1: nagpapahayag ng pagmamay-ari at karaniwang sinu-sundan ng pangalan ng tao, hal “Bago ang sapatos ni Jona.” 2: nagpapahayag ng tagagawâ ng aksiyon at karaniwang sinusundan ng pangalan ng tao, hal “Hiniram ni Nieves ang aklat.”
bo tree (bo tri) : malaking punongkahoy na kauri ng balete, katutubò sa India at ipinasok sa Filipinas noong unang panahon, tinatawag ding bodhi tree dahil sa istorya na Budha
bu•hók ni és•ter : bromeliad (Tillandsia usneoides) na pinilakang abuhin at parang sinulid ang nakabiting mga tangkay, umaabot sa 2 m ang habà, at maliliit ang bulaklak
Ar•ka ni No•é : sa Bibliya, ang sasakyang-dagat na ipinagawâ ng Diyos kay Noe upang mailigtas ang isang pares ng bawat hayop at ibon sa panahon ng dilubyo
Á•wit ni So•lo•món : aklat sa Bibliya na naglalamán ng mga tula ng pag-ibig na ipinalalagay na mula kay Solomon