bu•kás 1: paglilitaw ng nása loob, gaya ng pagbubukas ng aklat 2: pag-aalis ng tikom o sara, gaya ng pagbubukás ng pinto
pá•lad 1: bahagi ng panloob na rabaw ng kamay mula sa galáng-galangán hanggang sa punò ng mga daliri 2: ang búhay na dinaranas ng sinuman 3: bahagi ng araro na hugis palad at may mga bútas na suutan ng mga tornilyo 4: talampákan1 5: dapâ2.
bu•kás 1: maaaring makíta o mapasok ang loob 2: may posisyong nagpapahintulot ng pagdaan o pagdaloy, tulad ng bukás na gate o bintana 3: para sa lahat, walang pagkakataong manghadlang 4: hindi sagabal sa paningin o pagkilos 5: bakante o hindi pa napupunuan, tulad ng isang bukás na posisyon sa trabaho 6: hindi pa napagpapasiyahan o hindi pa napagkakasunduan, tulad ng isang bukás na usapin 7: sa tao, tahas magsalita