- ká-pnl:unlaping may gamit padam-dam gaya ng kay, hal Kaganda!, Kagalíng!
- re (rey, ri)png | Mus | [ Ing ]1:pantig na ginagamit para sa pangalawang tono sa eskalang diyatoniko2:tonong D
- MA (em ey)daglat png | [ Ing ]:Master of Arts
- ma-pnl1:pambuo ng pandiwa, kadalasang nagtutuon sa nagpapakíta ng abilidad o kakayahang gawin nang kusa o sinasadya alinsunod sa kahulugan ng salitâng-ugat, hal makúha, madalá, mabása2:pambu-o sa pandiwang palayón, nagsasaad ng pag-iral hal mabúhay, mamatay, maaarì3:pambuo ng pandiwang pa-layón at nagsasaad ng aksiyong naga-ganap sa tauhan, hal mahulog, ma-laglag, masirà4:pambuo ng pandi-wa at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang pantig, karaniwang na-ngangahulugan ng maaari o hindi maaari, hal mahuhulog, makakáya, masisirà5:pambuo ng pandiwa, gi-nagamit sa salitâng-ugat at dinudug-tungan ng hulaping -an, nangangahu-lugang magagawâ ang isang bagay, hal matamaan, masulatan, mabigyan6:pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng dami o kalidad, hal maganda, ma-tipíd, mataás7:pambuo ng pang-uri o pang-abay alinsunod sa gamit bílang ekspresyon sa salitâng-ugat na nagpapakíta ng antas o asal, hal ma-yábang, malambing, malupít8:pam-buo ng maramihang pang-uri o pang-abay kapag ikinabit sa salitâng-ugat at inuulit ang unang pantig nitó, hal maaaláhas, makúkuwarta, mayáya-man
- ka-pnl1:pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng kilos na katata-pos lámang, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kaáalís, kagágawâ2:pambuo ng pandiwang balintiyak, nagpapahi-watig ng saloobín o damdamin, at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng -an o -han, hal kaawaán, katuwàan3:pambuo ng pandiwa na inuulit upang magbigay-diin at magpahi-watig ng hindi inaasahang kilos, hal kabása-bása niya sa diyaryo4:pambuo ng pandiwa at nagpapahi-watig ng pag-uulit o pagpapatúloy sa gawain, na may pag-uulit sa unang pantig ng pandiwa, hal kásasalitâ, kásusúlat5:pambuo ng pandiwa, nagpapahiwatig ng kilos na higit sa karaniwan, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o –han, hal Kátaasán mo ang pagsabit ng talì
- re-pnl | [ Esp Ing ]:pambuo ng pang-ngalan, pandiwa, o pang-abay na ka-raniwang makikita sa mga hiram na salita mula sa Latin at nangangahu-lugang a “muli” o “muli at muli” at nagpapahiwatig ng pag-uulit, hal re-type b “likod o patalikod” at nagpa-pahiwatig ng patalikod na galaw o pagtalikod, hal retrace
- mapng1:pinaikling má•ma2:tawag sa M sa abakadang Tagalog3:Zoo uri ng mollusk na may talukab na tíla kutamaya
- kápng | [ Ehi ]:sa sinaunang Ehipto, pinaniniwalaang espiritwal na bahagi ng isang indibidwal na tao o diyos na nabúhay, at may kakaya-hang manatili sa estatwa ng nama-tay na tao
- ka-pnl1:pambuo ng pangngalan at nangangahulugang kapuwa o kasá-ma sa isang gawain, hal kakláse, katrabáho2:pambuo ng pangnga-lan at nagpapahayag ng relasyon o pagkakasapi, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kababatà, kababáyan3:pambuo ng pangngalan at nagpapahiwatig ng kaisipang pagpapatúloy sa mabuting samahán, na may pag-uulit sa salitâng-ugat, hal kalaró-larô, kasáma-sáma4:pambuo ng bagong pang-ngalan mula sa pang-uring salitâng-ugat upang idiin ang pag-aari, katangi-an, o pagiging abstrakto, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal kahirápan, kadakilàan5:pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng resiprosidad, pagkakasabay ng kilos, o kolektibong samahán, at karani-wang dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal káliwàan, kátuwàan
- Kapng:tawag paggálang na ikinaka-bit sa pangalan ng nakatatanda o malayòng kamag-anak, hal Ka Bestre
- re (ri)pnt | Bat Kom | [ Lat res ]1:sa kaso ng2:may kaugnayan sa
- ká-pnl1:pambuo ng pang-uri at nag-sasaad ng kaliitan ng bílang, dami, o halaga ng anuman, hal kapiraso, kaikli2:pambuo ng pang-uri na nagbibigay-diin sa antas nitó at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o –han; ginagamit kasáma ng hindi o di , at ipinapalagay na isang pang-alipusta, hal “Di kágalingan ang pagkakágawâ.”
- ‘ká kopng | Kol:pinaikling “wika ko”
- mens re (ménz rey)png | [ Lat ]:masa-mâng intensiyon o layunin
- ‘ká mopnh | Kol:pinaikling “wika mo.”
- óm•pak ka bá•yipng | [ Bag ]:blusang may borda, aplike, at lentehuwelas o abaloryo
- pis•tá ka ká•ropng | [ Bag ]:ritwal na pag-aalay ng mga gamit na pam-bungkal ng lupa bago magsimula ang panahon ng pagtatanim.
- óm•pak ka ma•màpng | [ Bag ]1:pan-laláking jaket na may maikling mang-gas, isinusuot sa labanán at panga-ngabayo2:baluti na gawâ sa abaká