letse
lé·tse
pnr |[ Esp leche ]
:
pasusuhín o sumusúso pa sa ina, gaya ng sanggol.
Lé·tse!
pdd |[ Esp ]
:
alipusta para sa tanga ; ibig sabihin, pasusuhin pa.
lé·tse plan
png |[ Esp leche flan ]
:
minatamis na gawâ sa gatas, itlog, at asukal, at karaniwang inihuhurno sa liyanera.
le·tsé·ra
png |[ Esp lechera ]
:
babaeng naglalako ng gatas.