mu
mu
pnl |[ Seb ]
:
apambuo ng pandiwang panghinaharap hal muulî b= uuwî, muguwâ = lumabas.
mu·ák
png |Zoo |[ Ilk ]
:
usa na walang sungay.
mucous membrane (myu·kus mem·breyn)
png |[ Ing ]
:
tissue na epitelyo na naglalabas ng mucus at nakahanay sa mga butas ng katawan kasama na ang organo sa paghinga.
mucus (myu·kus)
png |[ Ing ]
:
madulas o malagkit likido na inlalabas o nililikha ng mucous membrane bilang proteksyon at lubrikasyon.
mud·mód
png |pa·mu·mud·mód
:
pagbibigay ng isang bagay gaya ng salapi o pagkain, para sa maraming bílang ng tagatanggap : BURÁY4,
DISTRIBUSYON1,
PAMIMIGÁY — pnd i·pa· mud·mód,
mag·mud·mód.
mud·mód
pnr |[ Bik ]
:
gamít na gamít na ; sirâ-sirâ na.
muffler (máf·ler)
png |[ Ing ]
1:
2:
makapal na balabal sa leeg bilang pamatay lamig.
mufti (máf·ti)
png |[ Ing Ara ]
1:
damit sibilyan
2:
sa Muslim, tagapayong legal ukol sa pagsasagawâ ng mga batas panrelihiyon.
mu·gal·gál
pnr
:
napakarumi ng mukha.
Mug·ná
png |Mit |[ Ilk ]
:
maalamat na diyos ng mga pagano.
mu·gó
pnd |[ War ]
:
magpahayag ng intensiyon o nais.
mugwort (mág·wart)
png |Bot |[ Ing ]
:
damóng maryá.
mu·hà
png |[ ST ]
:
pagkagalit sa ikinilos ng isang tao sa harap nitó.
Muhammad (mu·há·mad)
png |[ Ara ]
mu·hì
pnr
:
umuusbong na poot.
mú·hon
png |[ ST ]
:
paghingi ng paumanhin para umalis.
muk·hâ
pnr |ka·muk·hâ
:
túlad o katúlad.
muk·mók
png |[ ST ]
:
pag-uusap nang patago at madalas.
muk·mók
pnr
:
nagtago sa isang sulok dahil nagtatampo.
muk·nâ
png |[ Bik ]
:
likhâ2 o nilikha.
mu·kóy-mu·kóy
pnr |[ Bik ]
:
sakítin at mahinà.
Muk·tâ!
pdd |Kol
:
Ewan ko! Malay ko!
mu·kú·mok
png |[ Ilk ]
:
eskombro ng ladrilyo.
mu·lâ
pnr
:
kinuha, ibinatay, o hinango ; karaniwang dinurugtungan ng sa, kinuha sa, ibinatay sa, o hinango sa.
mu·lâ
pnt
:
tumutukoy sa panahong namagitan, sa panahong binanggit, at sa panahong isinasaalang-alang, karaniwang may katambal na “hanggang,” nagsasaad ng simula ng isang kilos, proseso, at katulad na pangyayari hal, “mula U.P. hanggang EDSA ” : FROM1
mu·là·an
png |[ mula+an ]
1:
pook, tao, o lugar na pinagbubuhatan o nakukuhanan ng isang bagay : SOURCE
2:
sa pagsasalin, ang wika ng orihinal na teksto o akda.
mu·lá·ga
png |[ ST ]
:
pagiging mulát ang mga matá.
mu·la·gát
pnr |[ Kap Ilk Tag ]
:
dilát na dilát at hindi kumukurap.
mu·la·là
pnr |[ Kap ]
:
tunggak at mahinà ang ulo.
mu·lan·bu·wát
png |[ ST ]
:
simula o batayan na anumang bagay.
mu·lan·dá·naw
png |[ ST ]
:
mga unang patak ng ulan.
mu·lang·di·lím
png |Asn |[ ST ]
:
unang araw ng pagliit ng buwan.
mu·lát
pnr
1:
[ST]
maliwanag at malinaw
2:
[Kap ST]
bukás, kung sa matá
3:
[Kap ST]
may sapat na kaalaman.
mú·lat
png
1:
pag·mú·lat pagbukás ng matá
2:
pag·mu·mú·lat pagtutu-rò ng kaalaman at mga kailangan sa búhay hábang lumalaki ang isang batà.
mu·lá·to
png pnr |Ant |[ Esp Ing mulatto ]
:
anak o nagmula sa pinaghalòng lahi.
mu·la’t sa·púl
pnb |[ mula+at+sapul ]
:
mula’t mulâ.
mu·lá·win
png |Bot |[ Hil Kap Seb Tag War ]
mu·láy
pnd |i·mu·láy, mag·mu·láy, mu·la·yín |[ ST ]
:
hatiin o pagpira-pirasuhin.
mu·láy
png
:
sa Batangas, baryá1–2
mu·la·yíng
png |[ ST ]
1:
pag-aari o lupain na ibinigay sa aliping tagapagsilbi upang ito’y kaniyang pakinabangan
2:
isang bahagi ng ari-arian na ibinibigay ng ama o ina sa isang anak.
múl·dot
png |Ana |[ Ilk ]
:
maninipis at kalat kalat na buhok, tumutubò sa iba’t ibang parte ng katawan.
mu·lé
png |[ Esp moler ]
:
giniling na tsokolate.
mu·lí
png |[ ST ]
:
pagtulad sa iba.
mú·li
png |[ ST ]
1:
pag-alaala at pagmumunì
2:
pagtitig sa isang bagay upang suriin ito
3:
pagbubukás ng mga matá.
mu·lí·do
png |[ War ]
:
panghimagas na gawa sa binayo na kamote, hinaluan ng asukal at kinudkod na niyog, inluto hanggang sa tumigas at inihulma nang pahaba at manipis.
mú·li-mú·li
png |[ ST ]
:
pag-isipan ang isang bagay.
mu·lí·naw
pnr |[ Ilk ]
:
sintigas ng bakal.