muta
mu·tà
png |[ Esp mota ]
:
tíla pagkit na bagay na lumalabas sa matá, karaniwan kapag bagong gising o may impeksiyon sa matá : MUTÂ
mutagen (myú·ta·dyen)
png |[ Ing ]
:
anuman na nagsasagawâ o nagiging sanhi ng mutation, hal radyasyon.
mutant (myú·tant)
png |[ Ing ]
:
pagbabagong anyo sanhi ng mutation.
mutant (myú·tant)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa mutation.
mu·tá·tis mu·tan·dís
pnb |[ Lat ]
:
sa paghahalintulad ng mga bagay, nangangahulugan itong naganap ang mga kailangang pagbabago.
mu·táw
png |[ ST ]
:
lundag o paglundag.
mu·ta·wì
png |pa·mu·mu·ta·wì
1:
tapat na pagbigkas ng mga salitâ
2:
diin ng pagbigkas ng salitâ — pnd i·mu·ta·wì,
ma·mú·ta·wì.