• pi•lì

    1. 1:
      hirang o paghirang para sa isang gawain o tungkulin
    2. 2:
      pagpapasiya
    3. 3:
      paglilinis ng bigas sa pama-magitan ng pag-aalis ng palay, bató, at iba pa
  • pí•san

    1. 1:
      pagsáma o paninirahan sa isang pook o isang tahanan
    2. 2:
      varyant ng pinsan
    3. 3:
      pamimilí nang pakyawan
  • pí•li

    1. 1:
      malaki-laking pu-nongkahoy (Canarium luzonicum) na may makinis at madalîng matanggal na balát at may bungang parang habilog na nuwes
    2. 2:
      ang bunga nitó
    3. 3:
      malaking punongkahoy (Manila elemi)
    4. 4:
      bisi-rong babae na wala pang isang taon.
  • pi•lî

    1. :
      disenyo na isina-sagawâ hábang hinahabi ang tela.
  • pi•lí

    1. :
      paraan ng pagpilipit ng mga hibla lalo sa paggawâ ng lubid
  • pi•lî

    1. :
      nagdaan sa isang paraan ng mahigpit na pagpilì.