don 1: ginoó 2: tawag pamitagan sa laláking may mataas na katayuan sa lipunan, dón•ya kung babae 3: dáhon1
don manuel (don man•wél) : palumpong (Hamelia patens) na kulay kahel ang bulaklak at mabu-tó ang bungang pulá na nagiging lila kung hinog, katutubò sa Florida, Paraguay, West Indies
Don Juan Tiñoso (don hu•wán tin• yó•so) : napakakisig na prin-sipe at tauhan sa metriko romanse, nagkunwang matanda at may ketong
Don Tiburcio de Espadaña (don ti•búr•si•yó de es•pa•dán•ya) : tauhang Espanyol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagpapanggap na doktor, at sunod sunurang bána ni Donya Victorina