tanda
tan·dâ
pnr
:
pinaikling matanda, lalo na kapag ikinabit sa pangalan ng tinutukoy na tao hal Tandang Sora Cf DÂ2
tán·da
png |[ Esp ]
1:
pagbabago o paglilipat ng gawain, gaya ng pag-iiba ng mga gawaing nakatoka sa mga manggagawa Cf TÚRNO
2:
ang habà ng panahon sa paggawâ ng nakatakdang gawain.
Tan·dág
png |Heg
:
kabesera ng Surigao del Sur.
tan·da·kíl
pnr |[ ST ]
:
sapád ang ulo.
tan·dan·dúk
png |Bot |[ Igo ]
:
yerba (Solidago virgaurea ) na 90 sm ang taas at may sanga-sangang pumpon ng maliliit at dilaw na bulaklak : GOLDEN ROD
tan·dáng
png |Zoo
1:
Tandang Basio Macunat (tan·dâng bás·yo ma·kú·nat)
png |Lit
:
pamagat ng isang aklat na sinulat ni Fray Miguel Lucio Bustamante at may di-waing laban sa pagsulong at edukasyon ng mga Filipino.
tan·dâng pa·dam·dám
png |Gra |[ tandâ +ng pa+damdam ]
:
bantas (!) na ginagamit sa pangungusap na padamdam hal Ay nahulog! : EXCLAMATION POINT,
INTERJECTION2,
PADAMDÁM2
tan·dâng pa·na·nóng
png |Gra |[ tandâ +ng pang+tanóng ]
:
bantas na pananong (?) : PANANONG2,
QUESTION MARK
Tan·dâng Sé·lo
png |Lit
:
sa El Filibusterismo, ama ni Kabesang Tales.
Tan·dâng Só·ra
png |Kas
:
tawag kay Melchora Aquino.
tan·da·yág
pnr |[ ST ]
:
matigas at hindi nababaluktot.
Tan·dá·yag
png
1:
Zoo
sa maliit na titik, balyéna
2:
Mit
[Bik]
isang malakíng ahas.
tan·da·yák
png |[ ST ]
:
damit na maganda ang kulay.
tan·dá·yan
png |[ ST ]
:
baskagang ginagamit sa paghábi ng tela.