a•lug•bá•ti : mala-yerbang baging (Basella alba) na may bulaklak na pulá o putî, at ginagamit panghalili sa espinaka sa paggawâ ng ensalada
a•lú•la 1: hugis bumbong na basket, yarì sa dahon ng niyog, at naglalamán ng dalawang paniga ng lansones 2: malakíng basket na maluwang ang itaas kaysa ibabâ
a•lu•má•han : uri ng mackerel (Rastrelligen kanagurta) na lumalakí nang 20-35 sm, bughaw o lungti ang likod, pinilakan ang gilid ng katawan, at kabílang sa kawan ng isda kapag nanginginain sa rabaw ng dagat