a•lum•bi•bé•ras : isdang-alat (Stromateus conereus) na pinilakan, may bátik na itim ang kaliskis, at matinik ang palikpik
a•lú•mi•núm : metal na magaan, pinilakan, hindi kinakalawang, madalîng hubugin, at karaniwang ginagamit sa paggawâ ng kaserola, sasakyan, at katulad (atomic number 13, symbol Al)
a•lu•ngá•ug : nakaririnding pananakit ng ulo at pananamlay ng katawan sanhi ng kakulangan sa túlog o dulot ng malakas na suntok, dagok, at katulad