ammonium nitrate (a•mó•nyum náy•treyt) : pulbos (NH3N O3) na putî, kristalina, natutunaw sa tubig, at karaniwang ginagamit sa paggawâ ng paputok, abono, at katulad
ammunition (am•myu•ní•syon) 1: bála mula sa pinaputok na baril 2: sandatang sumasabog, gaya ng granada o bomba 3: sandata sa paglusob o pagtatanggol
am•nes•tí•ya 1: ganap na pagpapatawad o paggagawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga maysála sa pamahalaan 2: pagbibigay ng gayong kapatawaran
a•mò 1: kawalan ng bangis o ilap 2: pagiging masunurin 3: pagpayapa sa kalooban ng nagtatampo o naghihinanakit