a•mó•yor 1: dumating sa daungan na wasák-wasák, walang pálo at layag 2: akitin o mang-akit sa pamamagitan ng matatamis na salita
am•pa•pá•got : omniborong isdang-alat (genus Balistes) na nakalalason at ginagamit lámang sa akwaryum
am•pá•sit 1: masamâng espiritu na nagdudulot ng sakít at kapahamakan 2: espiritu na nakatirá sa mga tubigan at sa bukirin
am•pát 1: pagpigil sa daloy o tulo ng dugo, tubig, at katulad 2: pagsawata, o pag-awat sa mga nagkakagalit 3: pagsugpo o pag-alis sa bisyo