a•pár•te : bahagi ng pangungusap ng artista sa tanghalan na tíla hindi naririnig ng ibang artista sa tanghalan at iniuukol lámang sa manonood
a•párt•ment 1: pangkat ng mga silid, karaniwang mayroon nang mga kasangkapan at pinauupahan 2: nag-iisang silid sa bahay
á•pat 1: pamílang na katumbas ng dalawa at dalawa 2: salitâng bílang para sa 4 o IV 3: katipunán ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa
a•pa•tí•ya 1: pagiging walang malasakit; pagiging walang interes 2: pagiging matamlay o pagiging malamig ng loob
á•pat•na•pú 1: pamílang na katumbas ng apat na sampu 2: salitâng bílang para sa 40 o XL 3: katipunán ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa
apatosaurus (a•pa•to•sáw•rus) : dambuhalang dinosawro na kumakain ng mga haláman, kabílang sa genus Apatosaurus ng mga panahong Jurassic, at Cretaceous, at tíla latigo ang buntot
a•pá•tot : punongkahoy (Morinda citrifolia) na may glóbulóng dahon, nangakatayông bulaklak, at may bungang medisinal ang katas
A•pá•tse 1: tribu o kasapi sa tribu ng katutubòng nakatirá sa Arizona, New Mexico, Texas, at North Mexico 2: sa maliit na titik, tawag sa magulo o mabilis magalit
a•páw 1: labis sa takalan o sisidlan; punông-punô na 2: hindi makapagsalita, karaniwan dahil sa bingí