aorta (a•ór•ta, ey•ór•ta) : pangunahing ugat ng katawan na naghahatid o dinadaluyan ng dugo mula sa puso patúngo sa lahat ng bahagi ng katawan
a•pá 1: paglalakad sa dilim nang nangangapâ o sumasandal sa isang bagay 2: pagnanakaw 3: mga paghawak sa maselang bahagi ng babae
a•pá•hap : isdang-alat (Lates calcarifer) na halos hugis itlog ang katawan, may tibo ang palikpik, may kaliskis na ngipin ngipin sa dulong tagiliran, at itinuturing na mamaháling pagkain