a•rá•gan : alga (Sargassum siloquosum) na maaaring kaínin ng tao, tuwid, hanggang 50 sm ang taas, at kumpol-kumpol kung lumago
á•rag-á•rag : kahong gawâ sa metal na nagdadalá ng mabibigat na bagay, may isa o dalawang gulóng sa harap at sinusuportahan ng dalawang báras sa magkabilâng gilid bílang tatangnan sa pagbuhat nitó
á•ral 1: pag-iisip upang matutuhan o maláman ang isang bagay 2: kabutihang mapupulot o matututuhan 3: pagpasok sa paaralan upang matuto 4: pagdudulot ng dapat isaisip ng iba sa pamamagitan ng pabigkas at pasulát na pangungusap, hal sermon