a•ra•mág : ritwal kapag may namatay, karaniwang umaabot nang tatlo hanggang ilang buwan batay sa kalagayang pangkabuhayan ng pamilya
A•ra•má•i•ká 1: wikang Semitiko ng makalumang Syria, na ginamit bílang lingua franca sa Gitnang Silangan noong ika-6 siglo BC at napalitan ng Hebrew bílang wika ng mga Hudyo 2: pinaniniwalaang wika na ginamit ni Hesus
a•ra•máy : haláman (Pipturus arborescens) na nabubúhay sa mababàng bahagi ng aplaya at ipinapakain sa baboy ang mga dahon nitó
a•rán•ya 1: sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na karaniwang nakasabit sa kisame 2: gagambá 3: tawag sa maluhong sasakyan, may apat na gulóng, hila ng isang kabayo, at may tábing na naibababâ kapag hindi mainit ang araw o hindi umuulan