a•su•sé•na 1: yerba (Poliantes tuberosa) na tíla damo, may makitid, madilim na lungtian, at 60 sm habàng dahon, at may bulaklak na mabango at putî sa dulo ng mahabàng tangkay 2: putahe sa karneng áso
as•wáng 1: nilaláng na may kakayahang magpabago-bago ng anyo at karaniwang nagdudulot ng pinsala sa tao 2: nása malakíng titik, diyos ng kasamaan at kapatid ni Gugurang
asynchronous (ey•sin•kro•nús) 1: hindi umiiral o nagaganap nang magkasabay 2: sa computer o elektrikal na mákiná, hindi nagsisimula ang bawat operasyon kapag hindi pa natatapos ang naunang operasyon