ás•tral 1: hinggil sa bituin 2: binubuo ng mga bituin 3: sa teosopiya, may kinaláman o nagmumulâ sa isang ipinalalagay na espiritwal na pag-iral
ás•tro- : pambuo ng pangngalan o pang-uri at nangangahulugang may kaugnayan sa bituin o lawas pangkalawakan, hal astronomiya, astronomy
astrolabe (ás•tro•léyb) : sinaunang instrumentong ginagamit sa pagtáya ng mga sukat na astronomiko, lalo na sa pagtáya ng altitud ng mga lawas pangkalawakan, at ginagamit din sa nabegasyon
as•tro•lo•hí•ya : kaalamán o pag-aaral sa kilos at ugnayang posisyon ng mga lawas pangkalawakan at pag-uugnay nitó sa búhay ng tao
astronaut (ás•tro•nót) : tao na nagpapatakbo ng sasakyang pangkalawakan; tao na bihasa sa paglalakbay sa kalawakan
as•tro•pí•si•ka : sangay ng astronomiya na may kinaláman sa pisikal na kalikasan ng mga lawas pangkalawakan, lalo na ng bituin
as•tú•to : may kakayahang mabilis na kumilatis sa mga tao o sitwasyon at gamitin ito para sa sariling pakinabang