a•ten•si•yón 1: kahandaang kumilos o ibuhos ang isip 2: pansin 3: posisyon ng sundalo kapag nakatayông tuwid na tuwid at hindi kumikilos
Athena (a•thí•na) : patrong diyosa ng Atenas, birheng diyosa ng mga sinaunang Griyego, at sinasamba bílang diyosa ng karunungan, pertilidad, mga kapakipakinabang na sining, at maingat na pakikidigma
A•ti-a•tí•han : pista ng Sto. Niño sa Kalibo, Aklan, at gumugunita sa pinaniniwalaang kasunduan ng mga dayuhang taga Borneo at pangkating Agta sa Panay