á•tis : punongkahoy (Anona squamosa) na may bungang pabilóg, kulay putî ang lamukot sa loob, at nakakain
Atlantic Standard Time (at•lán•tik is•tán•dard taym) : istandard na oras sa pinakasilangang bahagi ng Canada na nahuhulí nang apat na oras sa GMT
At•lán•ti•kó 1: karagatan sa pagitan ng Europa at Africa sa isang panig at ng America sa kabilâng panig 2: may kaugnayan dito
át•las 1: aklat ng mga mapa 2: aklat ng mga ilustrasyon o talaang naglalarawan ng isang paksa 3: unang vertebra na naghuhugpong sa ulo at leeg
at•lé•tiks : pisikal na ehersisyo, gaya ng larong track and field; iba’t ibang larong nangangailangan ng lakas, husay, bilis, at iba pa
at•mós•pe•rá 1: gas na nakapaligid sa daigdig, ibang planeta, o anumang bagay 2: himpapawid 3: naghaharing pakiramdam sa isang pook o sitwasyon 4: damdamin o emosyon na nalilikha ng isang likhang sining, piyesa ng musika, at katulad 5: yunit ng pressure katumbas ng 101,325 pascal (symbol atm)