a•de•lán•to 1: hakbang pasulóng; nása harap 2: pangunguna sa isang pagkilos o gawain 3: pagiging mas maaga kaysa iba 4: paunang-bayad 5: bále1
a•dél•pa : palumpong (Nerium oleander) na tumataas nang 1-3 m, balahibuhin ang hugis sibat na dahon, at may dilaw, putî, o puláng bulaklak
adenosine (a•dén•o•sín) : nucleoside ng pinag-isang adenine at ribose, matatagpuan o makikíta sa lahat ng buháy na tissue
ad•hes•yón 1: kakayahan ng isang bagay na dumikit kaagad sa isa pang bagay 2: abnormal na pagdidikit ng rabáw sanhi ng pamamagâ ng sugat 3: bisàng dumikit na dulot ng friction o ang friction mismo, gaya ng pagtuntong ng makinis na gulong ng tren sa makinis na riles