ad•mi•nís•tras•yón 1: pangasiwaan 2: tawag sa tao, pangkat ng tao, o partidong pampolitika na nagpapatakbo ng pamahalaan sa loob ng takdang panahon
ad•mis•yón 1: pagtanggap o pagpasok 2: karapatang makapasok 3: bayad para makapasok sa sinehan, teatro, o parke 4: kondisyon ng pagiging tanggap sa isang posisyon, propesyon, trabaho, at iba pa 5: pag-amin sa isang kasalanan o krimen 6: pagkilála sa katotohanan ng isang bagay