A•bák•non : pangkating etniko na matatagpuan sa isla ng Capul na nása dulong hilaga ng lalawigan ng Samar
á•ba•kús 1: isang tipak ng bató na nagsisilbing pinakamataas na salig sa kápitál2 ng haligi 2: kasangkapang ginagamit sa pagkukuwenta, binubuo ng mga bilóg na piraso ng kahoy na nakatuhog sa alambreng nakalagay sa parihabâng balangkas
abalone (a•ba•ló•ni) : susô (genus Haliotis) na malaki ang kabibeng may nákar at karaniwang matatagpuan sa Califirnia
a•ba•lór•yo 1: maliit at bilóg na kristal, bató, at katulad na may bútas sa gitna, karaniwang tinutuhog upang gawing palamuti, galáng, o kuwintas 2: malkóha
abampere (áb•am•pír) : sentimetro-gramo-segundong yunit ng elektromagnetikong koryente; katumbas ng sampung ampere