A, a 1: unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey 2: una sa isang serye o kaayusan 3: grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod 4: pasulát o palimbag na representasyon ng A o a 5: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a 6: tipo ng dugo ng tao 7: a ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor b ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la c nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito d eskala o key na nakabatay sa notang ito 8: sukat ng sapatos, higit na maliit sa B 9: cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.
a•áb : hugpóng o paghuhugpóng ng dalawang pútol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng bútas at mitsa na kahugis ng buntót ng kalapati
Aaron (éyr•on, a•ár•on) : sa Bibliya, nakatatandang kapatid ni Moses at tagapagtatag ng sinaunang kaparian ng mga Hudyo.