á•gap 1: pagkilos nang una sa inaasahang mangyari batay sa pagsusuri ng katulad na kalagayan sa nakaraang karanasan 2: kakayahang kumilos nang mabilis bago mangyari ang inaasahan
á•ga•pé 1: pagmamahal ng Diyos o ni Kristo sa sangkatauhan 2: makalangit na pagmamahal ng isang Kristiyano sa kaniyang kapuwa, na katulad ng pagmamahal ng Diyos sa tao 3: hindi makasariling pagmamahal ng isang tao sa iba nang walang seksuwal na pagnanasà 4: pigíng na pangkapatiran
á•gar : substance na katulad ng gelatine, mula sa iba’t ibang uri ng puláng damong dagat, at ginagamit na sangkap sa sopas o sa pagpaparami ng mikrobyo
á•gar-á•gar : helatinang mula sa iba’t ibang uri ng halámang dagat at nagagamit sa prosesong biyolohiko at pagpapatigas ng pagkain