- aflatoxin (a•flá•tok•sín)png | Kem | [ Ing ]:anumang uri ng magkaka-ugnay na nakalalasong sangkap, likha ng amag (Aspergillus flavus), at nagdudulot ng pinsalà o kanser sa atay
- a•fo•ra•dórpng | Kas | [ Esp aforrador ]:noong panahon ng Espanyol, tao na naatasang mag-uri ng mga dahon ng tabako
- a for•ti•ó•ripnr pnb | [ Lat ]:para sa higit na matibay na katwiran; batay sa mga katunayan
- Africa (á•fri•ká)png | Heg | [ Ing ]:pangalawang pinakamalakíng kontinente sa daigdig
- African (á•fri•kán)pnr | Ant | [ Ing ]:may kaugnayan sa mamamayan ng Africa
- african daisy (áf•ri•kán déy•si)png | Bot | [ Ing ]:yerba (Gerbera jamesonii) na may dahong anyong roseta at mapusyaw na lungtian ang kulay, may tangkay na 30 sm ang habà, at ang bulaklak ay kulay pink, pulá, dilaw, o putî; katutubò sa Transvaal, Africa
- african lily (áf•ri•kán lí•li)png | Bot | [ Ing ]:yerba (Agapanthus africanus) na may makapal na risoma, nása umbel ang mga bulaklak na karaniwang bughaw na lila
- Afro (áf•ro)png | [ Ing ]:estilo ng buhok, mahabà, makapal, at malagô, gaya ng likás na ayos ng buhok ng ilang Itim
- Afro- (áf•ro)pnr | [ Ing ]:pambuo ng pangngalan o pang-uri at nangangahulugang may kaugnayan sa Africa hal Afro-Asian
- Afro-Asian (áf•ro éy•syan)pnr | [ Ing ]:may kaugnayan kapuwa sa Africa at Asia