alibi (ál•li•báy) 1: depensa ng suspek na nása ibang pook siya nang maganap ang krimen 2: dahilán3 o pagdadahilan
a•li•boy•bóy 1: samáhan ang isang tao para maglaro, magsugal, o gumawâ ng isang bagay 2: aliwin ang kasámang nababahala
a•li•bug•hâ 1: mapaglustay o walang pakundangan sa paglustay ng salapi at anumang yaman 2: labis na mapagbigay 3: itinakda ng hukuman na walang kakayahang mangasiwa ng ari-arian o mangu-tang dahil sa hindi mapigil na hilig maglustay