a•li•gut•gót 1: nása isang hindi kasiya-siya at nakalilitong kondisyon 2: nása isang magulo at mahirap wariing sitwasyon 3: mapanlinlang
a•li•gút•got 1: pasalaysay o paawit na panalangin sa , katapusan ng nobena na nagsusu-mamong iligtas ang kaluluwa ng tao 2: matinding samâ-ng-loob; labis na pagdaramdam
a•lik•bá•ngon : maliit, masangang haláman (Commelina bengha-lensis) na gumagapang, karaniwang dinidikdik ang mga dahon at butó upang ipantapal sa namamagang singit o puson
a•lik•bá•ngong-la•lá•ki : yerba (Murdannia nudiflora) na payát ang dahon, maugat ang mga sanga, at kumpol na pink at lila ang bulaklak