bá•dok 1: halámang damo (Gnaphalim luteoalbum) na palasak sa Ilocos Norte 2: patuto o palupo ng bubong 3: páwid.
bad•yáng : halámang ornamental na uring arum (Alocasia macrorrhiza) na tumataas nang 4 m at matabâ ang mga sanga
bád•yet 1: talaan ng tinatáyang kíta at gastos sa loob ng tiyak na panahon ng isang pamilya, pamahalaan, pribadong tanggapan, at iba pang organisasyon at institusyon 2: halaga ng salapi na kailangan para sa pagbili ng isang bagay.
bag : sisidlan na maaaring bitbitin o isabit sa balikat o likod, gawa sa tela, balát ng hayop, papel, plastik, o iba pang kauri.
ba•gà : bahagi ng katawan ng tao o anumang vertebrate na may kaugnayan sa paghinga, sinasalalayan ng tadyang, at nagdadalá ng hangin sa dugo