ba•gak•bák 1: pagsalunga laban sa malakas na hangin o mala-king agos o ang bangkang napigil ng ganitong pangyayari 2: malimit ngunit maliit na patak ng tubig, ulan, o pawis.
ba•ga•lú•nga : punongkahoy (Melia dubia) na 15 m ang taas, may tatluhang dahon sa tangkay, at may mga bulaklak na maliit at kumpol sa bawat tangkay, katutubò sa Filipinas
ba•ga•mán : maganáp man; katagang nagpapasubali sa bagay na naipahayag na, karaniwang sinasamahan ng dinaglat na at upang maging bagama’t
bag-áng 1: bagáng 2: dalawang tao na magkasundo o dalawang bagay na mahusay ang pagkakalapat, gaya sa sinasabing “kabag-ang” o “magkabag-ang.”
ba•gáng : mga ngiping nása panulukan ng gilagid na malaki kaysa mga nása gitna at siyang ginagamit na pandurog ng kinakain