ba•ra•kí•lan 1: estrukturang pahalang na gawâ sa kahoy o metal at nagsisilbing suporta sa atip o bubungan ng bahay 2: anumang pahalang na bahagi ng balangkas na nagsisilbing túkod
ba•rá•ko 1: laláking walang kinatatakutan; laláking matapang 2: anumang laláking hayop na palahian 3: baboy na inalagaan upang gawing palahian
bá•raks 1: gusali o mga gusali na ginagamit na tiráhan ng mga sundalo 2: alinmang gusaling ginagamit upang magkasiya ang malaking bílang ng tao