bar•ba•rís•mo 1: a kawalan ng pinag-aralan; kamangmangan at kabastusan b halimbawa nitó 2: a salita o pangungusap na balbal b paggamit nitó 3: pagiging mabangis at malupit
bár•ba•ró 1: tao na hindi sibilisado 2: kasapi ng isang primitibong pamayanan o tribu 3: a tao na walang pinag-aralan b tao na bastos 4: tao na malupit
bar•bé•ro : tao na manggupit ng buhok at mang-ahit ng balbas ang trabaho; tagaayos ng buhok ng lalaki