ba•yum•bóng 1: silindrikong sisidlan na pinaglalagyan ng isang uri ng espesyal na sombrero o pagkain 2: silindrikong sisidlan na pinaglalagakan ng mga mapa, dokumento, sertipiko, at katulad na hindi maaaring itupi
bay•wáng 1: bahagi ng katawan ng tao sa pagitan ng balakang at sikmura 2: bahaging maliit ng katawan ng lusong, halò, at katulad
bazooka (ba•zú•ka) 1: uri ng malakíng kanyon na maaaring dalhin o bitbitin 2: malakíng instrumento na hinihipan, gawâ sa kawayan, at may dalawang túbo at baluktot na bakal na kinakapitan ng pípa