ba•yu•bò 1: tábing na gawâ sa sawali o kahoy na nabubuhat at natitiklop; pansamantalang dingding sa silid 2: sari-saring pagkakalála sa yantok o baging na ginagamit na palamuti 3: pagbubungkal o pagtatapon sa punò ng mga haláman sa pamamagitan ng kamay o kasangkapan
ba•yú•gin 1: laláking duwag at karaniwang sinasabing nakadamit pambabae o nakasáya 2: palay o mais na hindi nagbunga nang husto 3: uri ng kawayan na maliit ngunit malamán ang bumbong
ba•yú•go 1: sapád at gumagalaw na butó sa ibabaw ng tuhod 2: maliit na punongkahoy na may bungang maliliit, berde, at bilog 3: butó ng gugò