bá•ging 1: haláman, karaniwang mula sa genus Vitis na may mga mahabà at payat na tangkay na gumagapang sa lupa o umaakyat o kumakapit sa pamamagitan ng mga káway 2: tangkay ng ganitong haláman 3: ilahas na uri ng kamote.
ba•gis•bís 1: malakas na pagbuhos ng likido, gaya ng alak o tubig sa sisidlan o ng malakas na ulan 2: pagtulo ng luha hanggang sa labì
bag•kát 1: asukal na ginawâng arnibal at nagiging matigas at makunat pagkatapos maluto at lumamig 2: malapot na pulut, o pulut-pukyutan na inilutong mabuti 3: pagbiyak sa niyog sa pamamagitan ng pagpalô.