Ba•gó•bo : pangkating etniko na dáting nakatirá sa silangan at timog ng Bundok Apo at silanganing bahagi ng Cotabato ngunit nakakalat ngayon sa mga pook na malapit sa Lungsod Davao
ba•gók 1: tunog ng pagbagsak ng isang malaki at mabigat na bagay 2: biglang umpog ng dalawang bagay na matigas 3: mahinàng tunog ng nalaglag na barya o metal, karaniwang nagpapahiwatig ng pagiging huwad.
ba•gól 1: magaspang ang ugali; kakatwa o asiwa ang anyo o kilos 2: malaki ang katawan ngunit mahinà 3: tamád at mabagal 4: walang pakialam.
ba•gon•dón : uri ng wrasse (genus Stethojulis) na may tíla mga laso na guhit sa katawan mula ulo hanggang gawing buntot