big•wás 1: biglaang suntok o dagok 2: biglaang haltak sa palabigwasan ng pamansing kung bumigat o may isdang kumapit
bí•hag 1: tao na dinakip o hinúli dahil sa digma 2: tao na alipin ng kagandahan, pag-ibig, simbuyo, at iba pa 3: sumiból at muling mabúhay ang mga haláman
bí•hang : imahen na karaniwang inukit sa ubod ng mga ugat ng pakô at tulad ng bulul, pinaniniwalaang bantay sa bahay o pamayanan
bi•há•sa : naging ugali ang isang ulit-ulit o lubhang ikinasisiyáng gawain, hal mamihasa sa pagkaing masarap
bi•hi•rà 1: nagaganap sa iilang pagkakataon o mabagal na pag-uulit 2: hindi pangkaraniwan 3: namumukod o natatangi
bi•ík 1: tawag sa maliit o bágong sílang na báboy (Sus scrofa) 2: ang umbok ng kalamnan ng bintî 3: butse ng manok