bí•kil 1: bukol na nadadama sa tiyan ng maysakít, o nakikíta sa mga pisngi 2: pakiramdam na pananambok
bik•lás 1: gawin nang madalian ang isang bagay 2: putulin o punitin ng dalawang kamay ang isang bagay
bik•lát : nabakbak sa dáting pagkakaayos o kalagayan, hal nabiklát na mga upuan, nabiklát na balát ng saging
bí•ko : kakaning gawâ sa sinaing na malagkit at iniluto sa arnibal, hinaluan ng pirurutong upang magkakulay, at binubudburan ng latik