bi•na•tóg 1: nilagang butil ng mais na karaniwang kinakaing may kinayod na niyog at asin 2: puláng tandáng na pinalakí bílang agimat laban sa panggugulo ng mga hindi nakikítang nilaláng
bi•na•yá•bey : ritwal ng paglalakbay sa gilid ng bundok upang pabalikin ang kaluluwa ng isang tao na may sakít o nababaliw
bi•na•yú•yu : tuwid, masanga, at maliit na punongkahoy (Antides-ma ghaesembilla), may dahong eliptiko, may bulaklak na maliit at putî, may maliliit na bungang bilog, maasim, at nakakain