bí•ngot 1: bungi ng pinggan, palayok, at mga katulad, karaniwang nása gilid o labì 2: depekto sa labì, patayông biyak sa pang-itaas na labì 3: pingol2
bin•hî 1: gumulang at pertilisadong ovule ng namumulaklak na haláman, nagtataglay ng sangkap ng pagkahaláman 2: anumang pinagsisimulan ng búhay 3: tamód 4: pinagmulan o dahilan ng isang bagay
bi•ni•bí•ni 1: babaeng walang asawa 2: a nása malaking titik, tawag sa babaeng walang asawa o babae na may asawa subalit pinananatili ang apelyido nitó sa pagkadalaga, karaniwan sa propesyonal na dahilan b titulo ng isang reyna ng kagandahan 3: karaniwang tawag sa babaeng hindi kilala
bi•nig•kís : mga bagay na pinagsama-sama sa pamamagitan ng tahi, gaya ng binigkis na bagong gapas na palay