Bi•ni•rá•yan : pagdiriwang na paggunita sa maalamat na pagdatíng ng sampung datung taga-Borneo sa baybayin ng Malandag, San Jose, Antique
bi•ní•wang : palumpong (Clerodendrum speciosisimun) na 4 m ang taas, malalakí ang dahon na habilog at sungki-sungki ang gilid, may nakapumpong bulaklak sa dulo ng tangkay at kulay pulá
bin•nu•nó : laro ng kalalakíhan, nagtutulakan sa pamamagitan ng ulo, animo nagsusuwagan upang patumbahin ang kalaban