bug•bóg 1: malubha at marahas na pagdudulot ng pisikal na sakít at súgat sa ibang tao, hayop, o bagay sa pamamagitan ng suntok o hampas 2: pamamagâ o pasâ sa katawan bunga ng pagbugbog 3: panghihinà ng katawan sanhi ng matinding págod 4: matinik at makapal na yantok 5: malakas at sunod-sunod na suntok
bu•gíl : pagbalik pataas ng sanga ng punò matapos mawala ang bigat na nakapatong, o ang humihila pababâ
bu•gíl 1: walang takip; walang saplot na bahagi ng katawan 2: nakikíta dahil punít o butás ang saplot
bu•gíng 1: nag-aalala dahil sa naninibago, ginagamit sa paraang negatibo hal Di na buging 2: walang kabuluhan