bu•dóng 1: kasunduang pangkapayapaan na pinagtitibay ng dalawang ili 2: alyansa ng mga pamayanan sa Kalinga 3: kimî1
buffalo (bú•fa•ló) 1: hayop (genus Bubulus) na kauri ng báka 2: hayop (Syncerus caffer) na nakatutulad ng bisón
buffet (bu•féy) 1: nakahaing mga pagkain para magkani-kaniyang kuha ang mga panauhin 2: pang-ibabâng bahagi ng kábinét ng pinggan
bu•gá 1: malakas na pagpapalabas ng anu-mang nása bibig o ilong 2: tunog ng pagbuga 3: laro sa holen na pinalalabas sa bibig upang patamaan ang holen ng kalaban 4: pagsitsit hábang sumisingaw ang mainit na hangin 5: halámang gamot na nginunguya ng albularyo at idinudura sa bahaging masakít